Phillip basag na basag sa rebelasyon ni Kris; Bong Go nakinabang nang bonggang-bongga


MAS pinaingay pa ni Kris Aquino ang pangalan ni dating SAP Bong Go nang magbigay siya ng reaksiyon sa script na palaging ginagamit sa kampanya ng kumakandidatong senador at ng ama ng kanyang anak na si Phillip Salvador.

Dapat daw pasalamatan ng pulitiko si Kris dahil bigla itong pinag-u-sapan ng buong bayan, daig pa raw ng ginawa ni Kris ang mga bayad na political ads sa telebisyon, biyaya raw para kay Bong Go ang ginawa ni Kris.

Pero ang masaklap lang ay si Kuya Ipe ang sobrang nadapurak nang dahil du’n, damay lang itong maitutu-ring pero ang action star ang pinuruhan ni Kris, kaya biglang naging maingay ang isyu.

Nakapanghihinayang dahil nu’ng kanyang kaarawan ay pinuri-puri pa naman ni Kris ang ama ni Josh, sa lahat ng kanyang mga nakarelasyon ay si Kuya Ipe lang daw ang hindi nagsalita ng anumang negatibo laban sa kanyang pamilya, pinapupurihan pa nga raw ni Kuya Ipe ang paraan ng pagpapalaki niya kay Joshua.

Dalawang linggo lang pagkatapos ay nagbago na ang tono ng nilangisang dila ni Kris Aquino, binawi na niya ang kanyang mga papuri kay Phillip, puro mga kapintasan na nito bilang ama ang kanyang sinentruhan.

Maraming nalungkot para sa action star dahil pitpit na pitpit itong parang lata sa mga deklarasyon ng ina ng kanyang anak pero mas maraming naawa kay Kris sa kanyang ginawa.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Heto na naman si Kris, naglawit na naman siya ng pain para upakan siya ng mga bashers, siya mismo ang nagbibigay ng dahilan para siya makatikim nang kaliwa’t kanang bira,” sabi ni prop.

Read more...