Kris P56K ang budget kada buwan para sa mga prutas


ALAM n’yo ba kung magkano ang ginagastos ni Kris kada-linggo sa pabili pa lang ng prutas para sa kanya at sa dalawa niyang anak?

Sa isang panayam, sinabi ng Social Media Queen na P14,000 a week ang budget niya sa prutas o P56,000 a month. In fairness, mas malaki pa ang budget ni Tetay sa prutas kesa sa sweldo ko, ha! Ha-hahaha!

“I think sure na sure ako with the fruit budget, it’s 14,000 a week for fruits,” aniya.

Ito ang rason ni Kris kung bakit, “Kuya has a special menu because he has acid reflux, so there are so many things that he has to avoid and ‘yon kailangan niya talaga. He likes eating five times a day, so he has breakfast, he has lunch and then fruits for merienda, and a pick-upper.

“Nagbabaon pa siya ng sandwich or something from the house and then mayroon siyang full dinner, and yung dinner niya also has… hindi puwedeng matapos yung dinner without fruit platter.

“Kami ni Kuya, mahilig kami sa fruits, and mahirap ako pakainin ngayon so dinadaan na lang sa fruits,” pahayag pa ng TV host-actress.

Read more...