BUMANDERA sa Spotify ang collaboration nina Billy Crawford at James Reid para sa kantang “Filipina Girl.” Nagsilbing inspirasyon nila sa paggawa ng kanta ang ating ikaapat na Miss Universe na si Catriona Gray.
Isa ang “Filipina Girl” sa mga kakantahin nina Billy at James sa upcoming concert nilang “The Crew” sa April 5 na magaganap sa Araneta Coliseum kung saan makakasama rin nila ang equally talented singer and performer na si Sam Concepcion.
Sa presscon ng nasabing concert, feeling ni Billy e, mas lalo siyang bumabata. Sa kanila kasing tatlo, di hamak na mas nauna siyang pumasok sa mundo ng showbiz, huh!
Of course namayagpag na ang kanyang career sa France at nakagawa rin ng hit songs gaya ng “Urgently In Love,” “Mary Lopez” at iba pa.
Bago naman naging matinee idol, singing talaga ang first love ni James. Kamakailan, inilabas niya ang duet nila ni Nadine Lustre, ang “Summer.”
Batak naman sa karanasan sa stage si Sam bago nag-focus sa singing at acting. Huli niyang ini-release ang ballad na “Bukas Makalawa” na theme song ng movie niyang “Para Sa Broken Hearted.”
Take note, sa “The Crew” concert, makakasama rin ni Billy ang asawang si Coleen Garcia at siguradong may sorpresa rin si James kasama si Nadine habang makikipaghatawan naman si Yassi Pressman kay Sam.