NGAYONG hapon na magaganap ang pinakahihintay na finale ng pinag-uusapang GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko.
Tinutukan ng milyun-milyong manonood ang masa-limuot at madramang kuwento ni Rachel (Kris Bernal), ang babaeng iniwan at pinahirapan ng asawang si Nathan (Jason Abalos) na naging transwoman (Thea Tolentino) at naging kaagaw pa niya kay Gavin (Rayver Cruz), ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso.
Grabe ang mga naging eksena nina Thea at Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko, talagang buwis-buhay din ang mga sabunutan, sapakan, sampalan at bugbugan na ginawa nila sa serye. In fairness, trending lagi ang mga nakakalokang confrontation scene nila sa social media.
Sa katunayan, araw-araw nakakatanggap ng hate messages si Thea dahil sa pagganap niya bilang Venus, ang napakasamang transgender na gagawin ang lahat para mapasakanya si Gavin. Pero hindi rin nagpalamon si Kris dahil halos maubusan na siya ng luha sa araw-araw na pag-iyak sa AKKK.
Ayon kay Kris, kakaibang acting experience na naman ang hinarap niya sa serye, “It’s really difficult for me to ima-gine that I really had a husband na transgender, kasi wala naman akong experience na ganoon in real life, but then also I learned so much from them.
“Naiintindihan ko yung buhay nila, mas gets ko na sila ngayon kasi nagampanan ni Thea nang maayos, mas nalaman ko yung kwento at pinagdadaanan nila,” aniya pa.
Kuwento naman ni Thea nang makachikahan namin sa last taping week ng AKKK, “May times na ang hirap humugot, tapos yung kailangan mong maramdaman sa eksena is yung connection niyo ni Rachel, namin ni Kris na dati ko siyang asawa. Kaya nagtutulungan kami sa set, sila Direk Mark (dela Cruz) talagang naka-support sa amin. Kaya mas nagiging okay yung kinalalabasan ng eksena.”
Siguradong mami-miss daw ni Rayver ang kanyang role bilang si Gavin, “First show ko ito sa GMA, at sobrang naging comfortable ako agad. Napakaganda talaga ng project. Hindi ko makakalimutan ito, at kung pwede nga lang na sa next show ko sila ulit ang makakasama ko. Memorable talaga at ang dami kong mami-miss. Blessed ako na maging part ng show.”
At sa pagtatapos nga ngayong hapon ng Asawa Ko, Karibal Ko, sumuko na kaya si Venus at tuluyan nang magbagong-buhay? Mapatawad pa kaya siya ni Rachel sa lahat ng kasamaang ginawa niya? At magkaroon pa kaya ng happy ending ang love story nina Gavin at Rachel?
Tutukan lahat yan sa hu-ling pasabog ng Asawa Ko, Karibal Ko after Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.