Shooting ng ‘Pedro Penduko’ ni James Reid hindi na muna itutuloy…bakit kaya?

JAMES REID

HINDI na muna matutuloy ang shooting ng fantasy-action-adventure movie ni James Reid na “Pedro Penduko: The Legend Begins.”

Ito ang kinumpirma ng boyfriend ni Nadine Lustre sa nakaraang presscon ng upcoming concert niya na “The CR3W” kung saan makakasama niya sina Billy Crawford at Sam Concepcion.

Kuwento ni James, nagkaroon kasi siya ng shoulder injury habang nagte-training ng martial arts para sa nasabing pelikula.

“I am still recovering but while recovering, I have other project, another movie I will be doing.

“But I don’t think I can just say it yet and also the concert (The CR3W),” paliwanag ng binata.
Aniya, kailangang pagalingin muna ang kanyang balikat bago simulan ang shooting ng “Pedro Penduko” dahil marami siyang gagawing action scenes dito.

Sa katunayan, hindi na namin na-interview si James after ng presscon ng “The CR3W” dahil nagmamadali na itong umalis.Ayon sa kanyang handler may therapy pa kasi ang aktor para sa kanyang injured shoulder.

Tungkol naman sa bagong pelikula ni Nadine na “Ulan” kung saan makakatambal nito sina Carlo Aquino at Marco Gumabao under Viva Films, all out daw ang support niya sa kanyang dyowa. Ito ay kauna-unahang pagkakataon na hindi sila magkasama sa isang pelikula.

NADINE LUSTRE AT CARLO AQUINO

“I am happy for her. I was so impressed by the trailer, it looks amazing. I am really very excited for her, I’m very happy for her,” pahayag ni James.

Samantala, magkakasama naman sila ni Nadine sa “The CR3W” concert with Sam and Billy na magaganap sa Araneta Coliseum on April 5, 2019 mula sa Viva Live.

Bukod kay Nadine, special guests din sa “The CR3W” ang asawa ni Billy na si Coleen Garcia, at si Yassi Pressman. Si Sam lamang ang walang special someome sa tatlong astig na dancer at inamin niyang naiinggit siya sa mga ito. Pero aniya, siniguro niya na kahit loveless siya, itotodo niya ang kanyang performance sa concert nila sa Big Dome.

For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketnet (911-5555).

Read more...