Catriona sa mga batang-Tondo: Mag-aral na mabuti bago kayo maging beauty queen

CATRIONA GRAY

Muling naging emosyonal si Miss Universe 2018 CaTriona Gray nang muling makapiling ang mga batang Tondo sa Young Focus Foundation na matagal na niyang sinusuportahan.

“I hope I made you all proud,” bahagi ng mensahe ng beauty queen sa mga bata na tuwang-tuwa rin nang makita uli siya nang personal. Ayon pa sa dalaga ita-try niyang bumisita roon every year para mapasaya ang mga bagets.

Ito naman ang advice ni Cat sa mga batang Tondo na kinakalinga ng YFF, “Study hard before you become a beauty queen so you know what to answer. Always enrich your
mind. And keep dreaming.”

Read more...