Blackwater Elite tinalo ang Columbian Dyip, palaban pa sa quarterfinals

 

Laro Ngayon (Marso 2)
(Xavier University Gym, Cagayan de Oro City)
5 p.m. Meralco vs Magnolia

BINUHAY ng Blackwater Elite ang tsansa nitong makapasok sa quarterfinals habang pinutol din nito ang apat na sunod na pagkatalo sa pagkubra ng 106-100 panalo kontra Columbian Dyip sa kanilang 2019 PBA Philippine Cup elimination round game Biyernes sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nagsanib puwersa sina Allein Maliksi, Mac Belo, Roi Sumang at Paul Desiderio para pamunuan ang opensa ng Elite papasok sa huling minuto ng laro para ihatid ang Blackwater ang ikalawang panalo sa walong laro at buhayin ang tsansang makasama sa walong koponan na makakapasok sa playoff round.

Bunga ng pagkatalo, nahulog ang Dyip sa 3-4 win-loss record.

Pinamunuan ni Maliksi ang Blackwater sa kinamadang 29 puntos habang si Belo ay mayroong 22 puntos. Nagdagdag si Desiderio ng 12 puntos at si Sumang ay nag-ambag ng 11 puntos.

Kumana si CJ Perez ng 22 puntos para pangunahan ang Columbian.

Read more...