Huling sahod hindi makuha ng buo

MAGANDANG araw po sa inyo,

Sana po ay mabigyan ng pansin ang isasangguni ko sa inyo.

Patungkol po iyo sa huli kong sahod.

Hindi ko po ito makuha ng buo dahil i-chinarge sa ‘kin ang mga nasirang bote na pina laser at ipinatrabaho sa amin.

Nagsimula po ito nang matanggal ako ng isang taon sa kumpanya at dumating ang machine na mag-eengrave sa bote para i-personalize ang pangalan ng mamimili.

Sa amin pina-operate ang machine. Bago ito, graphic artist lang po ako sa kumpanya.

Halos wala nang natira sa aking huling sahod dahil dito.

Ligal po ba na i-charge sa huling sahod ang mga nasira?

Maraming salamat,

Pao-Pao

 

REPLY: For immediate response, please call DOLE Hotline 1349.

Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw.

Tawag na po.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...