Hindi pa man natatapos ang mandatory military training ng Korean actor na si Kang Ha Neul, may offer na sa kanya para makatambal ang magaling na aktres na si Gong Hyo Jin.
Kapwa inalok kina Ha Neul at Hyo Jim ang bagong drama na When the Camellia Blooms.
Kapag pareho silang nag-yes, ito ang magiging comeback series ni Ha Neul kapag na-discharge na sa military sa Mayo.
Isang romantic-thriller-comedy ang When the Camellia Blooms. Base sa ulat, Setyembre pa nang ialok ang proyekto kay Hyo Jin. Gaganap si Hyo Jin bilang Dong Baek, na camellia ang kahulugan sa Korean.
Sakaling tanggapin, gaganap naman si Ha Neul bilang Yong Shik, na isang kapitbahay na pulis na in-love kay Dong Baek.
Nakatakda namang mapanood ang When The Camellia Blooms sa ikalawang bahagi ng 2019.