Lee Sang Yoon, Jang Nara sure na kaya sa mystery-drama VIP?

LEE SANG YOON AT JANG NARA

Posibleng magsama ang kapwa magaling na Korean celebrities na sina Lee Sang Yoon at Jang Nara sakaling tanggapin nila ang bagong office mystery drama na VIP.

Katatapos lang umere ng hit drama ni Nara na The Last Empress habang mapapanood naman ngayon si Sang Yoon sa top-rating variety show na All The Butlers (na kilala ring Master In the House) kasama ang Korean superstar na si Lee Seung Gi.

Kinumpirma ng agency ni Nara na inalok sa aktres ang VIP at kasalukuyang pinag-aaralan kung tatanggapin ang offer.

Kwento ang VIP ng mga working women at ng mga problemang kanilang kinakaharap. Nauna nang napaulat na inalok kay Sang Yoon ang male lead character na si Park Sung Joon.

Sakaling tanggapin, gaganap si Nara bilang Na Jung Sun, na kasal kay Sung Joon.

Nakilala si Sang Yoon sa mga seryeng On the Way to the Airport (2016), Whisper (2017) at About Time (2018).

Nagsimula naman si Nara bilang singer at ngayon ay isa mga magagaling na aktres sa Korea. Kabilang sa kanyang mga K-series ang Fated To Love You (2014), Hello Monster (2015), One More Happy Ending (2016), Go Back Couple (2017) at ang The Last Empress (2018-2019).

Read more...