BINUWELTAHAN ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio ang isang netizen na diumano’y planong wasakin ang relasyon nila n i Hashtag Ronnie Alonte.
Kung anu-ano kasing mga mapanira at malilisyosong komento ang ipinost ng isang basher patungkol sa relasyon nina Ronnie at Loisa at talagang naka-tag pa ang dalaga sa mga mensahe nito.
Nang mabasa ito ni Loisa, agad siyang sumagot, “Nakatag kasi ako. Ang gusto ko lang malaman if si R2 (Ronnie) ba itong tinutukoy or mali lang sila?
“Nakita ko naman na na-seen mo, if hindi naman ito totoo alam kong masasagot mo naman yun agad and if totoo nga, mas okay din at least di ba bilang babae ka din naman mas magandang alam ko at natin ang totoo,” matapang na pahayag ng dalaga.
Hindi na sumagot ang netizen kay Loisa. Kaya sa kanyang Instagram account, muling nag-post ng kanyang hugot ang girlfriend ni Ronnie para ibandera sa buong universe na may mga taong nagtatangkang sirain ang samahan nila ng binata.
“May mga taong gusto tayong sirain at saktan, wag na wag tayong mag papa apekto. Kung sino ang binababa ng kapwa, siya ang itinataas ng Diyos,” ang caption na inilagay niya sa sweet photo nila ni Ronnie na tila iniinggit at inaasar pa ang kanilang basher.
Nag-post din si Ronnie sa kanyang social media account para sa mga taong umeepal sa relasyon nila ni Loisa, “Pangarap ay makasama ka hanggang dulo. Kaya sa mga sira ulo? Neknek niyo.”
Narito naman ang mensahe sa kanila ng mga LoiNie fans.
Sey ni @iamgraevillanueva, “Laban Lang! wag pansinin ang mga kuLang sa pansin kaya nagpapapansin. #loinie.”
Comment naman ni @rysgnzls, “Fight lang, girl. Mas masaya syang makitang mainis dahil dika nag papa-apekto sa mga ginagawa nya. Saludo ako sa pagiging kalmado mo.”
“Nako yaan mo na. Ganun talaga mga naghahanap ng mag aaruga sa kanila pati syota ng iba papatusin.
Mahal ka ni @hashtag_r2a sa kanya ka lang mag tiwala,” @kathleenmagtipon.
“Stay strong Loisa, we are always here! Pag tatanggol ka lagi and to support you. We love you!” komento naman ni @sab.frrr.