Konsehal dakip sa drug raid

ARESTADO ang isang konsehal ng Lagonoy, Camarines Sur, nang makuhaan ng mga sachet ng hinihinalang shabu sa raid sa kanyang bahay Miyerkules ng gabi.

Naaresto si Councilor Randy Texon, residente ng Brgy. San Isidro Norte, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Sinalakay ng mga tauhan ng Lagonoy Police ang bahay ng konsehal dakong alas-8, sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte sa Iriga City.

Nasamsam sa bahay ang limang medium-sized sachet at 14 maliit na sachet na pawang may mga lamang hinihinalang shabu, ani Calubaquib.

Hinahandaan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law ang suspek.

Read more...