Maingay sinaksak, patay

PATAY ang isang construction worker sa Baguio City matapos saksakin ng katrabaho dahil umano sa pag-iingay habang sila’y natutulog, Miyerkules ng gabi.

Dinala sa ospital si Clarence Bangyay, 25, dahil sa dalawang saksak sa likod, ngunit binawian ng buhay alas-10:15, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-9:15, sa itinatayong hotel sa panulukan ng Loakan road at Military Cut-Off road.

Nagpapantok na si Reynaldo Balangay Jr., 53, nang dumating si Bangyay na sumisigaw at tila lasing.

Sinabihan ni Balangay si Bangyay na hinaan ang boses dahil natutulog na ang mga kapwa nila construction worker, pero nauwi ito sa komosyon hanggang sa saksakin ng una ang huli, ayon sa pulisya.

Naaresto si Balangay ng mga rumespondeng pulis at kasalukuyang nakaditine sa City Police Station 4 habang hinahandaan ng kaso.

Read more...