Maraming lugar sa QC, Valenzuela apektado ng water interruption mula Marso 4-7

MAKAKARANAS ng water interruption ang maraming lugar sa Quezon City at Valenzuela City mula Marso 4 hanggang Marso 7, ayon sa Maynilad Water Services Inc. (Maynilad).

Sa isang kalatas na ipinadala ng Maynilad, sinabi nito na ang service interruption ay bunsod na rin ng pansamantalang pagtigil ng operasyon ng North C at Commonwealth pumping stations sa Quezom City para sa isasagawang pagkukumpuni ng mga pasilidad.

Idinagdag ng Maynilad na magsasagawa rin ng interconnection ng mga bagong water pipes sa Barangay Commonwealth at Barangay Payatas sa Quezon City.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga sumusunod:

Mula alas-10 ng gabi ng Marso 4 hanggang alas-4 ng umaga sa Marso 6: 

Quezon City

-Bagbag

-Bagong Silangan

-Greater Fairview

-Gulod

-Holy Spirit

-Nagkaisang Nayon

-North Fairview

-San Bartolome

-Santa Lucia

-Santa Monica

-Sauyo

-Talipapa

Valenzuela City

-Ugong (Hobart Phase 1 and 2 and Doña Marciana Subdivision)

Mula alas-10 ng gabi ng Marso 4 hanggang alas-10 ng gabi sa Marso 7. 

Quezon City

Batasan Hills

-Commonwealth

-Payatas

Pinayuhan ng Maynilad ang mga residente ng mag-ipon ng tubig.

“There might be a delay in the resumption of water service in your area due to several factors, including the area’s elevation, its distance from pumping stations, and the volume withdrawal from the main lines,” babala pa ng Maynilad. 

Read more...