HINDI inaasahan na daraan sa lupa ang bagyong Wutip.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayon (Huwebes) at tatahakin ang direksyon patungong Taiwan. Tatawagin itong bagyong Betty.
Kaninang umaga ang bagyo ay nasa layong 1,985 kilometro sa silangan ng Central Luzon. Mabagal itong kumikilos sa pahilaga.
Umaabot sa 170 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at pagbugsong 210 kilometro bawat oras. Inaasahan na hihina ito kapag pumasok sa PAR dahil sa Hanging Amihan.
MOST READ
LATEST STORIES