NAGBITIW ang komedyante at TV host na si Arnell Ignacio sa kanyang posisyon bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kinumpirma ni OWWA Administrator Hans Cacdac ang pagbibitiw ni Ignacio.
“Meron siyang [Ignacio] resignation letter but it is yet to be accepted,” sabi ni Cacdac.
Itinalaga si Ignacio ni Pangulong Duterte noong Enero 23, 2018.
Kilalang aktibo si Ignacio sa pangangampanya para kay Duterte sa 2016 Presidential polls.
Kinumpirma rin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagbibitiw ni Ignacio noon pang isang linggo na ayon sa kanya ay dahil sa personal na rason.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.