Suspek na sangkot sa pandurukot ng mga bata arestado sa QC
NAARESTO ng pulisya ang isang suspek matapos tangkaing dukutin ang apat na bata sa Barangay Commonwealth, Quezon City.
Kinilala ng Regional Special Operations Unit – National Capital Region Police Office ang suspek na si Norly Rafael, matapos ang nabigong pagtangay sa mga batang edad apat, pito, siyam at 11 sa magkakahiwalay na okasyon simula Huwebes hanggang Lunes.
Nagawa ng mga bata na makatakas mula sa suspek.
Kadalasang kumakanta ang suspek sa bahay-bahay at humihingi ng donasyon habang pasimpleng tumitingin ng mga batang madudukot.
Naaresto si Rafael matapos magsumbong ang mga magulang ng mga batang tinangkang dukutin.
Sinabi ng pulisya na nakilala ang lalaki na siyang nasa viral na litratong itinuturong sangkot sa mga pagdukot.
Bugbog-sarado naman ang suspek matapos maaresto.
Sa ulat ng NCRPO, sinabi nito na may mga kasabwat si Rafael sa Tala, Caloocan City.
Dinala si Rafael sa NCRPO office sa Taguig City habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.