Joshua walang bisyo, hindi mahilig gumimik kaya nakaipon agad para sa bagong bahay


SI Julia Barretto ang special guest ni Joshua Garcia sa house blessing ceremony na ginanap sa kanyang bagong tayong house.

May mga lumabas na photos and videos sa social media na kuha sa blessing ng bahay ni Joshua at tuwang-tuwa ang kanilang fans.

Marami ang pumuri kay Joshua dahil kahit bata pa ito ay marunong na siyang humawak ng pera. Imagine, at his age ay nakapagpundar na siya ng bahay.

Masinop kasi sa pera si Joshua. Hindi siya magimik na bagets, wala siyang bisyo at bahay-work lang ang kanyang routine.

Kaya huwag na tayong magtaka kung one day ay isa na si Joshua sa pinakamayamang young actor sa showbiz dahil sa kanyang pagtitipid at pagiging praktikal sa paggastos.

Read more...