Make-up tutorial ni Catriona sa YouTube gumawa ng history


PINAGKAGULUHAN si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa parade niya sa Araneta Center last Saturday.

We were to cover It’s Showtime’s Miss Q&A grand finals and when we reached Araneta ay naloka kami dahil ang daming security guards and policemen sa area. Later, we realized na may parade pala si Catriona.

Hindi mahulugang karayom ang buong Araneta, lahat excited na makita si Catriona. Talagang punung-puno ng fans ang buong paligid.

Anyway, si Catriona ay gumawa na naman ng history as her make-up tutorial video got featured sa YouTube channel ng Vogue.

Si Catriona ang pangalawang Pinay na na-feature sa pamosong website, the first one being Pinay model Kelsey Merritt na siyang kauna-unahang Filipina na rumampa sa Victoria’s Secret runway.

Sa kanyang make-up tutorial ay ipinakita ni Catriona kung paano siya mag-apply ng make-up for the Miss Universe 2018 pageant.

Read more...