BABALIK sa Baguio ang grupo ng Reality Entertainment para tapusin ang horror movie ni Sharon Cuneta titled “Kuwaresma” under the direction of Erik Matti.
Pero bago ito, aasikasuhin muna ni Shawie ang kanyang concert tour sa US at Canada na nag-kick off na last Feb. 23 sa Thundervalley Casino Resort sa Lincoln, California. Sa March 30 ang last leg nito sa Alex Theater, Glendale, CA.
Kung hindi kami nagkakamali, ito ang suspense-horror na gagawin ng Megastar kaya ngayon pa lang ay talagang inaabangan na ito ng mga Sharonians. Sigurado raw ikaka-shock ng mga manonood ang mga gagawing eksena rito ni Sharon.
Samantala, isang horror movie rin ang first offering ng Reality Entertainment ngayong 2019, ang “Second Coming” kung saan bida naman sina Jodi Santamaria at Marvin Agustin.