Maine niyayang mag-isaw date si Ken Chan


NAGKITA sa isang event ang dating magkaklase (o schoolmate) na sina Maine Mendoza at Ken Chan.

Kapwa sila produkto ng isang sikat na school na matatagpuan sa Taft Avenue, Manila.

Agad namang ipinost ni Ken sa kanyang Instagram ang picture nila ni Meng na sinamahan ng caption na, “Great to be reunited again @mainedccm.”

“Ken Channnnnnn!!! So nice seeing you bro like let’s have fried isaw sometime in Taft, a’right???” comment naman ni Meng sa post ng Kapuso actor.

“That fried isaw is to die for. I would love to do that! I was like (shocked emoji) and you were like (shocked emoji) and we were like (green face emoji),” saad ni Ken.

Marami ring netizens ang nagkomento sa IG photo nina Ken at Maine. Narito ang ilan sa mga nabasa namin.

“Magseselos si Aubrey (karakter ni Rita Daniella sa My Special Tatay kung saan sila magka-loveteam ni Ken bilang si Boyet). C Alden Richards na lang,” ayon jay @jojnidala.

“Mas tanggap ko ito (MaineKen) kung sakali,” sabi ni @ringmybelle.

“Waaaaa! Hanggang diyan na lang kayo. Basta Rita Daniella pa rin,” komento ni @net756108.

“Kay Aubrey lang si Boyet,” ani @nethz_04.

Samantala, katatapos lang ng meet and greetng Dubsmash Queen with her fans sa ginanap na The Maine Event.

Wala kaming nakitang Alden Richards sa mga naglabasang photo sa social media at wala ring Arjo Atayde roon na tinawag pa ni Maine na “fan” sa isang IG photo nila together na kuha noong magkasama sila sa Amerika.

Read more...