Inigo, Maris ‘naghiwalay’ na

NAGKAROON kami ng chance na makausap si Inigo Pascual sa grand finals ng Miss Q&A InterTALAKtic 2019 ng It’s Showtime sa ABS-CBN na ginanap sa Araneta Coliseum last Saturday.

Kinunan namin ng pahayag si Inigo sa pagkamatay ng kanyang fan na may sakit na leukemia two weeks ago. Nag-viral din kasi sa social media ang ipinost niya na picture at madamdamin niyang mensahe para sa kanyang namatay na fan.

“Hindi ko siya kilala pero nu’ng nakita niya ako parang kilalang-kilala niya ako. And I never had that someone. Parang, hindi ko alam na ang trabaho na ‘to ay mabibigyan ako ng ganu’ng effect sa ibang tao that I didn’t realize until I met her,” eksklusibong pahayag ni Inigo sa amin.

Dahil sa kanyang fan na namatay, nag-iisip si Inigo na magtayo ng sariling foundation para sa mga may leukemia. Ito rin daw kasi ang sakit na ikinamatay ng kanyang lola.

At sakto naman na ang araw ng kamatayan ng kanyang lola ay Valentine’s Day kaya lagi raw niyang ini-spend ang Araw ng mga Puso with his family.

Ibig sabihin, hindi sila magkasama ng kanyang rumored girlfriend na si Maris Racal last Valentine’s Day.

That leads me to my next question kung sila pa ba ni Maris? “Ah, we’re okey. We’re working. I’m happy for her. She’s doing a teleserye. She’s doing a movie,” sabi ni Inigo.

Hindi raw siya kasama sa teleserye ni Maris dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang singing career, “I’m really focusing on my music. But I’m always going to support her no matter what, you know, I’m always her number one supporter,” say pa niya.

Then, we asked him kung kailan ipalalabas ang movie nila ni Maris under Spring Films na idinirek ni Boy2 Quizon, “This year po, pero wala pang final date. Pero kailangan pang tapusin dahil hindi magtugma ang schedule naming lahat. So, naghahanap lang kami ng araw. We have to finish it one day na lang.”

Muli tinanong namin si Inigo kung ano ang status ng relasyon nila ni Maris, “Next question. Ha-hahaha! Hindi, okey naman kami ni Maris. Honestly, I’m proud of her whatever is happening on her career now. There’s nothing bad. There’s nothing negative.”

So, maganda naman pala sila kahit kanya-kanya muna sila ng landas when it comes to their career, “Opo, and we’re working on a lot of things. And, she’s my favorite person to perform with. I love being with her and it’s not something that I feel I lost,” lahad ni Inigo

Read more...