ANG liit naman ng isang milyon kung totoong naglabas ang ilang taong sangkot para i-buy out ang isang kontrobersyal na isyung pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz.
Kuwento sa amin ng taong may alam sa kuwento, isang milyong piso ang ginastos ng mga taong sangkot sa gusot na ito para bumango muli ang pangalan nila sa publiko dahil marami na ang naniniwalang may nagawa silang pagkakamali.
Panay ang paliwanag ng kampo ng mga taong ito na wala silang ginawang kasalanan pero maraming hindi naniniwala, “Kaya nagbayad sila ng isang milyon for damage control. Ang cheap, huh?”
Mukhang delikado ang mga taong sangkot sa isyung ito dahil may tao nang naglabas ng katotohanan.
Lagot!
MOST READ
LATEST STORIES