KUNG hindi magbabago ng direksyon at bilis, posibleng pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na Wutip.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay nasa layong 1,740 kilometro sa silangan ng Southern Luzon kahapon ng umaga.
Ito ay nasa typhoon category. Umaabot ang bilis ng hanging dala nito sa 185 kilometro bawat oras at pagbugso na 225 kilometro bawat oras.
Mabagal itong umuusad pahilagang kanluran.
Ngayong umaga ito ay inaasahang nasa layong 1,675 kilometro sa silangan ng Southern Luzon. Bukas ay 1,570 kilometro sa Southern Luzon.
Sa Huwebes ay inaasahan na ito ay nasa layong 1,440 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.
MOST READ
LATEST STORIES