PINAYAGAN ng Sandiganbayan Fourth Division si dating Optical Media Board chairman Ronaldo ‘Ronnie’ Ricketts na pumunta sa Japan sa susunod na buwan.
Naghain ng mosyon si Ricketts para makapagbakasyon mula Marso 1-9 kasama ang kanyang pamilya.
Noong Disyembre pa umano plinano ang bakasyong ito upang matiyak na makasasama ang kanilang mga anak.
Tutuloy umano sina sa Shinjuku Granbell Hotel.
Sa orihinal na mosyon ni Ricketts ang kanyang hiling ay Marso 1-8 pero naghain ito muli ng mosyon at sinabi na ang lakad ay hanggang Marso 9.
Si Ricketts ay nahaharap sa kasong graft kaugnay ng maanomalya umanong pagpapalabas ng mga DVD at VCD na nakumpiska sa isang raid noong 2010.
MOST READ
LATEST STORIES