Pasahero arestado matapos tinangkang ipuslit ang granada sa MRT3
ARESTADO ang isang pasahero matapos magtangkang magpasok ng granada sa istasyon ng Metro Rail Transit 3 kagabi.
Sinabi ng Department of Transportation-MRT3, tinangkang ipasok ni Christian Guzman, 29, ang hand grenade sa Cubao station sa Quezon City alas-7:10 ng gabi.
Nang sumalang sa inspeksyon ang bag ni Guzman ay nakita ang granada na nakabalot ng packaging tape at nakalagay sa loob ng kahon ng cellphone.
Agad na ipinagbigay-alam sa mga pulis ang pangyayari at dinala si Guzman sa Police Detachment sa Shaw Boulevard para sa imbestigasyon.
Siya ngayon ay nasa Police Station 7 sa Cubao at inaasahang sasailalim kaagad sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office.
“The DOTr MRT-3 would like to stress that this matter will be taken seriously. We ask the patience and cooperation of our passengers as we further tighten the security measures being implemented in our stations. Please understand that these measures are being done to protect the safety and security of our passengers.”
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of ammunition and explosives ang isasampa.
Umapela rin ang MRT3 sa mga pasahero na maging mapagmatyag at agad na tawagin ang pansin ng mga kinauukulan kung mayroong kahinahinalang bagay na mapapansin sa loob ng tren o istasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.