SA unang pagkakataon, nag-post si Maja Salvador sa Instagram ng sweet photos nila ng kanyang rumored boyfriend na si Rambo Nuñez.
In fairness, pinusuan ng libu-libong followers ni Maja sa IG ang mga litrato nila ni Rambo, ang daming nag-congratulate sa kanila na akala mo’y ikinasal na nga sa kanilang mga paandar na photos.
Walang sinabi si Maja kung saan kuha ang mga litrato nila ng kanyang boyfriend pero mukhang um-attend sila ng formal event dahil na rin sa mga suot nilang black evening gown at suit.
Walang caption ang IG photo ni Maja at tanging heart emojis lang ang inilagay niya rito. Pero naniniwala ang kanyang fans and social media followers na nagkabalikan na nga sila ng kanyang ex-boyfriend.
Bago pa mag-post ang Kapamilya actress ng mga litrato nila ni Rambo, may mga kumalat nang mga pictures nila together na kuha sa ilang private events kasama ang kanilang mga kaibigan.
Sa huling panayam namin kay Maja, sinabi niyang masaya ang kanyang puso pero tumanggi siyang pangalanan ang lalaking nagpapasaya sa kanya. Aniya, basta matagal na niyang ka-kilala ang guy at malalim na rin ang kanilang pinagsamahan.
Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon si Maja tungkol sa relasyon nila ni Rambo.