Miss Q&A 2019 umaming may asawa na: 12 years na kami!


MARAMI ang na-touch sa gesture ni Mitch Montecarlo Suansane, 2019 Miss Q&A InterTALAKtic grand winner ng Ms. Q & A portion ng It’s Showtime dahil he will donate sa mga nasunugan sa kanilang bayan sa Bataan.

“Lingid po sa kaalaman ninyo, sa probinsiya namin ay nagkaroon ng malaking sunog sa Bataan a few days back. Sabi ko, kung sakaling makapuwesto ako, kahit hindi grand, kasi may gua-ranteed naman, eh, kahit sa mumunting bagay, kahit hindi sa lahat ay tutulungan ko talaga sila kasi until now ay wala pa rin silang matinong tirahan, nakikisiksik lang sila sa mga schools.

“Actually, wala akong mga kamag-anak doon, although may mga friends ako pero gusto kong tumulong in my own way. Sabi ko, gusto ko lang talagang tumulong kahit magkano lang, parte talaga ay para sa kanila,” say ni Mitch.

“Sa lahat ng prize ko ay pinaka-excited ako sa trip to Korea kasi first time ko makakapunta sa Korea. Actually, first time kong lalabas out of the country,” dagdag pa niya.

When asked if he has a BF, na-surprise kami sa sagot niya, “Actually, wala po akong boyfriend, meron po akong asawa. Magtu-twelve years na kami,” he said.

Hindi niya pinanood ang dyowa niya dahil, “Ako mismo ang may ayaw kasi kakabahan ako lalo.”
Bukod sa P2 million at brand new car ay marami pang prizes na napanalunan si Mitch.

Read more...