Female celeb bumubuo ng sariling sekta para iligtas ang sangkatauhan; pero walang ma-recruit

EWAN kung anong salita ang nararapat gamitin para ilarawan ang takbo ng buhay ng isang female personality na napakagulo ng takbo ng buhay.

Kapag gusto niyang mapag-usapan siya ay kung anu-anong gimik ang kanyang ginagawa. Magbabait-baitan siya sa um-pisa pero pagkatapos ay aawayin niya naman ang taong tumutulong na nga sa kanya.

Palaging ganu’n ang kanyang drama, gagawa siya ng kuwento, magmamakaawa pero kapag tinulungan na siya ay puro naman imbentong kuwento ang kanyang mga sinasabi.

Ngayon ay abalang-abala naman siya sa pagtatayo ng sarili niyang kongregasyon, masyado na raw magulo ang mundo, kaya gusto niyang iligtas ang sangkatauhan.

Komento ng mataray naming source, “Naku, ‘no! Bago niya iligtas ang mundo, e, una muna niyang iligtas ang sarili niya! Ang sarili niyang kaluluwa ang nangangailangan ng kaligtasan, puwede ba?

“Kung anu-anong gimik ang alam niya, nakakaloka ang klase ng buhay na meron siya, kaya puwede ba, tantanan na niya ang pagbubuo ng sarili niyang sekta para mailigtas kuno niya ang sangkatauhan!

“Magtigil siya! Hindi ang klase niya ang magi-ging tagapagligtas ng mundo! Manahimik siya! Hanapin niya ang sarili niya at ‘yun ang una niyang iligtas!” inis na inis na chika ng aming impormante.

Sakay ng kanyang bagong nabiling van na hulugan ay kung saan-saan siya nakararating ngayon para mag-recruit ng kanyang mga makakasama sa kongregasyong itinatayo niya.

“May paiyak-iyak pa siya! Maraming beses na raw siyang nangarap, ibinigay raw naman sa kanya ‘yun, pero maraming beses din siyang bumabagsak.

“Marami siyang kuda, pero sorry na lang sa kanya, wala nang naniniwala sa mga kadramahan niya. Umuuwi siyang luhaan, walang sumasama sa kanya, alam ng mga taong nakakausap niya na gagamitin lang na naman sila ng babaeng ‘yun na napakagulo ng takbo ng buhay!

“Sabi nga ng mga taong nakakausap niya, e, mag-split na lang daw siya at baka sakaling makita niya sa sahig ang sagot sa mga kadramahan niya!” pagtatapos ng aming source.

Kailangan pa ba naman n’yo ng clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Mag-split na lang din kaya kayo?

Read more...