Jobert kinalimutan ang bisyo kaya sinuwerte sa buhay

JOBERT AUSTRIA

“MAS magaling akong magpatawa kapag may problema!” Yan ang i-namin ng Kapamilya comedian na si Jobert Austria sa presscon ng pelikulang “Familia Blondina”.

Ayon sa komedyante, kapag inaatake siya ng kalungkutan, lalo na ngayong nangungulila siya sa kanyang girlfriend na kasalukuyang nasa Canada, nagpapakapagod na lang siya sa pagtatrabaho.

Buti na lang daw nandiyan ang anak niyang si Myron na pumapawi ng kanyang kalungkutan.

“Kapag depressed ako, wala akong ibang ginagawa kundi magpatawa lang nang magpatawa. Feeling ko yung lungkot ko, ‘pag nakikita ko yung mga tao na tumatawa, yun na ako,” pahayag pa ni Jobert nang nakachika ng entertainment press sa mediacon ng “Familia Blondina” kung saan gaganap siyang leading man ni Karla Estrada.

Binalikan din ng Kapamilya comedian ang araw nang magtangka siyang magpakamatay at iligtas ng kanyang mga kaibigan, “Kung hindi nangyari sa akin yun, hindi ako aabot dito. Kasi, kung hindi nangyari sa akin yon hindi ko mare-realize na meron pa palang buhay pagkatapos nu’n.

“Kaya proud ako, kasi hanggang ngayon, magmula nu’ng nangyari yung incident na yon, hindi na ako bumalik kahit kailan,” ani Jobert na ang tinutukoy ay ang paggamit niya noon ng droga.

Nagpasalamat naman nang bonggang-bongga si Jobert kay Karla at sa producer ng “Familia Blon-dina” dahil nabigyan siya ng chance na maging leading man. Ito ay sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Showing na ito sa Feb. 27 mula sa Arctic Sky Entertainment.

Read more...