IBINAHAGI ni Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda ang naging success story ng kanyang asawang si Neri Naig pagdating sa pagiging negosyante.
Ayon kay Chito hindi naging madali para sa kanilang mag-asawa lalo na kay Neri ang pagsisimula ng kanilang mga business. Halos lahat daw ng ipon ng kanyang misis ay ginamit nito para sa bagong negosyo, ang Neri’s Not So Secret Garden resto sa Tagaytay.
At sa unang linggo nga ng bagong business ni Neri, nag-post si Chito ng mahabang mensahe sa Instagram para ibandera ang inspiring story ng pagiging businesswoman ng aktres.
“When we 1st met, she had no money and no savings. Yung konting kinikita nya sa pag-aartista, napupunta lahat sa hinuhulugan nyang condo. Nu’ng naging kami at kahit hanggang nung kinasal na kami, never siya humingi ng money for anything,” unang kuwento ni Chito.
“Du’n nagsimula yung ‘wais na misis,’ kasi lahat ng binibili nya, either mula sa ukay or sa thrift store lang, and lahat ng pwede nyang pagkakitaan, pinag-iisipan nya kung paano nya papalaguin. Nag-aral sya mag-luto at mag-bake, and natuto sya mag-handle ng money.”
“Binenta nya yung mga used ukay clothes nya and yung mga lumang damit at bag nya, at ginamit nya yung naipon nya dun bilang puhunan pang-gourmet tuyo.
“She started with 60 bottles at nakisabay lang sya sa booth ng Parokya Shirts sa isang bazaar. Ngayon, nagpapatakbo na sya ng sarili nyang restaurant. Don’t pray for success and money.
“Pray for the strength, the humility, the discipline, and the determination to do what needs to be done in order to succeed. Dream. Believe. Surv…este, WORK HARD,” pagtatapos ni Chito.