SA pagpapatuloy ng selebrasyon ng buwan ng pag-ibig, isang retro dance marathon ang magaganap ngayong Lunes, Feb. 25, ang “Groove Is In The Heart” sa Liwasang Aurora, Quezon City Circle.
Organized by NMG Events Management, ang “Groove Is In The Heart” ay naglalayong mai-promote ang health and wellness, partikular na sa mga kababaihan at commitment to social responsibility of supporting less privileged victims of illnesses.
Sa pakikipagtulungan ng Quezon City Liga Ng Mga Barangay, ang dance retro marathon ay naglalayon ding i-promote ang camaraderie among dance enthusiasts.
Inaasahan ang participation ng 10,000 dancers mula sa iba’t ibang barangays sa Quezon City. Ang mananalo ng Best Performance ay mag-uuwi ng P25,000.
“Groove Is In The Heart” coincides with the celebration of 32nd anniversary of the People Power Revolution and the government’s Heart Care Awareness Month. It will also be part of the preliminary activities for the Women’s Month celebrated in March.