Moi Bien ibinuking ang pagdadala ni Piolo sa bahay ng mga female celeb


NAG-ENJOY kami sa tsikahan with comedienne Moi Bien bago ang press pre view para sa movie nila ni Ogie Alcasid na “Kuya Wes” directed by James Robin Mayo.

Medyo tahimik at matipid magsalita si Moi sa tuwing makikita namin sa ABS-CBN noon. But now, inamin niya na medyo makapal na raw ang mukha niya, kaya na rin daw niyang makipag-tsikahan sa mga mayayaman.

Marami na rin siyang kwento at nakaaaliw siyang kausap lalo na kapag tungkol na sa kanyang Grade 7 na anak na lalaki.

Ang kanyang baby boy ang dahilan kaya super work siya ngayon. Happy naman siya dahil kahit paano ay may naipon na siya at nakabili na ng unit sa El Jardin condominium.

Sad lang dahil ‘di nagbibigay ng suportang pinansyal ang ama ng kanyang anak. Three months na palang buntis si Moi bago niya sinabi sa kanyang boss na si Piolo Pascual ang kanyang kalagayan. At habang buntis, tuloy pa rin ang trabaho niya sa bahay ni Piolo.

“Yes, tapos nagtatrabaho pa rin ako. Naglilinis ako, nagbubuhat ako. Kasi ‘di ba ‘pag naglilinis ka ‘pag ano, nagagalit sa akin. Kasi makikita niya ‘yung TV nasa ibaba na, na galing sa taas. Binuhat ko pala. E, kasi ayaw ko naman, kasi nga buntis ka, pabigat ka. Mamaya pauwiin ka sa probinsya. Kaya work, work, work ako,” kwento ni Moi.

Sixteen years nang nagsisilbi si Moi kay Piolo at hindi niya itinanggi na minsan ay pinagnanasaan din niya ang kanyang amo, “Yes minsan. Ha-haha! Pero nilalandi ko talaga siya. Pero diring-diri siya sa akin, e.

“Kasi nga, ang turing namin sa isa’t isa magkapatid. Tapos ako ang lumalagpas. Sasabihin niya sa akin, ‘Ano ba ‘yan Moi?! Wala kang kahihiyan!’ Pero lokohan lang naman yun,” kuwento pa ng komedyana.

Tsinika rin ni Moi ang mga babaeng dinadala ni Papa P sa bahay nito, “Nakikita ko ‘yung mga girls naman. Parang puro taga-showbiz. Umuuwi naman sila kasi ano naman si PJ, hinahatid naman niya.”

Sa kung sino ang latest na babaeng nakita niya sa bahay ni Papa P hindi na raw niya knows. Two years na raw since umalis siya sa bahay ng aktor.

Thankful naman si Moi dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya. Kasama si Moi sa bagong teleserye ni Cristine Reyes sa ABS-CBN, ang Nang Ngumiti Ang Langit sa direksyon ni FM Reyes.

Anyway, napanood namin ang movie nila na “Kuya Wes.” In fairness, maganda ang role ni Moi at swak ang tandem nila ni Ogie sa movie. Panoorin ninyo ang “Kuya Wes” na ipalalabas na next month para malaman ninyo ang sinasabi namin.

Ang laki na ng improvement sa pag-arte at pagpapatawa ni Moi. Kaya ‘di na kami magtataka if one of these days ay ipag-produce na rin siya ni Papa P ng pelikula.

Si Moi na nga kaya ang susunod na Eugene Domingo ng Spring Films?

Read more...