Buong P100K at P2K hindi na pwede ipambayad pero pwede papalitan

HINDI na maaaring ipambayad ang buong P100,000 at P2,000 Centennial Commemorative Notes, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pero maaari pang ipapalit ng New Generation Currency ang mga ito sa BSP hanggang sa Agosto 1.

“Pursuant to BSP Circular No. 937 dated 18 September 2017, all Centennial Commemorative Notes that have not been exchanged shall be considered demonetized starting 2 August 2019.”

Ayon sa BSP ang demonetization ng mga banknotes ay alinsunod sa New Central Bank Act na nagbibigay ng kapangyarihan sa ahensya na palitan ang mga banknotes na lagpas ng limang taon ginagamit.

Inilabas ang Centennial Commemorative Notes noong 1998.

“These Centennial Commemorative Notes which are also part of the demonetized New Design Series banknotes have already served their commemorative purpose. Nonetheless, holders of said banknotes may opt to keep these commemorative notes for their numismatic value.”

Read more...