Bagyong Wutip bumagal pero napanatili ang lakas | Bandera

Bagyong Wutip bumagal pero napanatili ang lakas

Leifbilly Begas - February 24, 2019 - 02:09 PM

BUMAGAL ang bagyong Wutip habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility pero napanatili nito ang lakas at bilis ng hangin.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 1,875 kilometro sa silangan ng Visayas.

Ang hangin nito ay umaabot sa 185 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 225 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras patungong hilagang kanluran.

Wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa at maliit ang tyansa na ito ay pumasok sa PAR.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending