Horoscope, February 25, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Kahit mahina ang iyong loob alam mo bang marami ang naniniwala sa iyong kakayahan. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa sa kasalukuyan, dahil ngayon patungo ka na sa pag-unlad at pagtatagumpay. Ang magandang kapalaran sa pag-ibig ay makakamit kung magsusuot lagi ng kulay na green. Mapalad ang 1, 4, 28, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Om.” Bukod sa green buenas ang yellow.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ipagpatuloy ang pagiging buo ng loob, abot kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig ituloy lang ang walang maliw na pagmamahal sa isang Leo. Sa pinansyal, wag titigil hangga’t hindi yumayaman. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag hayaan mawala ang minamahal dahil sa pagiging abala sa trabaho. Maglaan ng oras para sa kasuyong Virgo. Minsan dapat mong maisip na, aahin nga ba ang maraming salapi kung masisira naman ang inyong relasyon? Mapalad ang 3, 9, 15, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Darshana-Jehana-Charitana.” Lilac at pink at buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Pagkatapos ng kalungkutan, ligaya naman ang kasunod, at kahit bahagyang nasimot ang salapi, sa susunod na buwan, mas maraming biyaya ang kusa ng darating. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 41. Silver at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magsasawalang kibo ka na lang. Sa pag-ibig sabihin na sa iyong kasuyo ang isang bagay na gustong-gusto mong mangyari sa inyong relasyon. Sa pinansyal, kung aalisin ang awa at konting praktikalidad ang paiiralin, mas madali kang uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana.” Lilac at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Habang umiinit ang panahon, isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Aries. Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ang nararamdaman mo sa iyong ka-Facebook ay totoo. Gumawa agad ng paraan kung ayaw mong maunahan ng iba. Sa pinansyal, madaling kumita ng salapi ang problema madali mo rin itong ginagastos. Dapat alam mo na ang pagtitipid at pagsisinop ng salapi ang tunay na depensiyon ng salitang maunlad. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Bagamat likas sa iyo ang pagiging ma-arte, kailangang magamit mo ito sa pagkaka-perehan. Sa pag-ibig, dahil sa taglay mong ka-artehan mai-in love ka na naman ng wala sa lugar. Mapalad ang 3, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.” Red at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Pinagpala ka ng langit, dahil sa araw na ito sabay na darating ang isang masayang pag-ibig at ang pag-angat ng tuloy-tuloy ng kabuhayan. Dapat lagi kang nagpapasalamat sa may kapal at tumutulong ng hindi ipinamamalita sa mga taong gusto mong tulungan. Mapalad ang 1, 10, 28, 31, 40 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Lilac at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ngayon na ang araw na patuloy na uunlad ang iyong kabuhayan at wala kang magagawa kundi dumami ng dumami ang iyong pera. Sa pag-ibig, ganon lang talaga ang iyong kasuyo, magtatampo kunwari pero maya-maya lang babatiiin ka na naman. Mapalad ang 8, 17, 25, 30, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum Suryaye Maneh!” Beige at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mas mangingibabaw ang paghahangad ng salapi at praktikalidad. Kailangang maunawaan ito ng iyong kasuyo upang hindi naman siya magtampo. Ipaliwanag sa kanyang kaya ka nagpapayaman, ay para din naman sa inyong future. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa.” Black at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Iwasang ang pag -iisip ng negatibo sa halip magtiwala sa sariling kakayahan at sa biyaya ipagkakaloob sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Magugulat ka pa, bigla at hindi kapani-paniwalang makahahawak ka ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Green at yellow ang buenas na kulay.
Pisces – (February 19 – March 20) — Makararamdam ka ng pagkahabag sa sarili kung bakit ikaw na lang ang laging inaasahan. Talagang ganon ang buhay mabait ka kasi! Wag kang mag-alala, nakikita ng nasa itaas ang mga kabutihang iyong ginagawa. Bukas-makalawa, kikilos ang kamay ng langit, pagkakalooban ka ng suwerte at magagandang kapalarang ngayon mo lang mararanasan sa tamang buhay mo. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Sivler at orange ang buenas.

Read more...