Mahiwagang txm8 | Bandera

Mahiwagang txm8

Joseph Greenfield - July 16, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Amisa ng Don Carlos, Bukidnon

Dear Sir Greenfield,

Ako po’y mahirap at mula sa pinakamahirap na bayan. Wala pa akong boyfriend ngayon pero may textmate akong lalaki at ayaw pa niyang sabihin ang kanyang pangalan. Ang sabi niya ay lihim na tagahanga lang siya. Nagpapadala siya ng load kaya’t napapadalas ang pagte-text namin. Nahihiwagaan ako kung sino ang lalaking ito pero natitiyak kong nakita o nakikita niya ako kasi alam niya ang oras ng pag-uwi ko sa bahay at minsan alam niya kung saan ako pumupunta at kung ano ang kulay ng damit ko. Natitiyak ko pong kilala ko siya, hindi ko lang matiyak kung sino ba siya talaga. Nais ko pong malaman kung siya kaya ang dati kong manliligaw? Siya kaya iyong sinasabing lalaking matagal nang may crush sa akin? O baka naman siya iyong lalaking dati kong crush pero hindi naman kami magkakilala nang personal? Sana mahulaan ninyo kung sino ang mahiwagang textmate ko at kung siya na po ba ang magiging first boyfriend ko. Niyayaya ko naman siyang mag-eye ball kami pero laging sinasabi niya na hindi pa siya handa. Darating din daw ang panahong makikita ko siya at makakasama.

Umasa, Amisa ng Don Carlos, Bukidnon

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sakaling maging boyfriend mo ang mahiwaga textmate, tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan!

Cartomancy:

Pogi, guwapo at nakapag-aral ang nasabing textmate dahil ang lumitaw ay Jack of Hearts. Habang ang Nine of Hearts naman ang nagsasabing hindi magtatagal, mabubuo ang masaya at matamis na pagsusuyuan, na hahantong upang tulad ng iyong inaasahan, siya na nga ang magiging first boyfriend mo. At sa piling niya ayon sa Queen of Clubs, tunay ngang magiging maligaya ka.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending