Customs building nilamon ng apoy: 2 sugatan

DALAWANG tauhan ng Bureau of Customs ang nasugatan nang lamunin ng apoy ang bahagi ng gusali ng ahensiya sa Port Area, Manila.

Nagtamo ng paso sa kanang braso ang isang Arnold Malit habang isang “Ning” Hardam ang dumanas ng hirap sa paghinga, ayon sa ulat ng Manila Police District.

Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali ng Port of Manila, na nasa 16th st., South Harbor, dakong alas-8:40 ng gabi Biyernes.

Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at volunteers mula sa iba-ibang lungsod hanggang sa maapula ang apoy alas-7:10 ng umaga Sabado.

Inaalam pa ang sanhi ng apoy at halaga ng pinsalang dulot nito sa mga ari-arian. 

Read more...