PATULOY na humahataw sa ratings game ang Sunday comedy show ng GMA 7 na The Boobay And Tekla Show. Mula nang umere ang programa ay hindi pa ito natatalo sa laban.
Kaya naman mas lalo pang ginaganahan ang comic duo na sina Boobay at Super Tekla na mabigyan ng mas nakaka-good vibes at nakakalokang mga segments ang manonood ng TBATS.
At ngayong Sunday night, your number onr late-night comedy show gets crazier with high-octane segments that promise to deliver unadulterated entertainment.
Boobay and Tekla will open the show with their own take of the millennial favorite “Buwan”, ang kantang pinasikat ni JK Labajo. Ang tanong, makakaya ba nila itong ibirit nang bonggang-bongga? The duo will also challenge some members of the studio audience to belt out the trending tune.
Abangan din ang Kapuso actor-TV host na si Andre Paras na kakasa sa hamon ng TBATS sa paggawa ng mga sandwich na hindi gumagamit ng kamay sa “Not My Arms Challenge.”
In “Pranking In Tandem,” an unsuspecting salon staff will be the subject of Boobay and Tekla’s thrilling prank with the help of our guest celebrity, Valeen Montenegro.
“Pwede bang mag-asawa ang dalagang-bukid?” Yan ang mahiwagang tanong ngayong Linggo na sasagutin ng ating mga kababayan sa “Our man-on-the-street” segment.
And finally, Boobay and Tekla will read a surprise letter from a controversial personality in “Dear Boobay and Tekla”. The personality is requesting for a TBATS guesting. Will they say yes?
Clean fun. Good vibes. Yan ang hatid ng The Boobay And Tekla Show ngayong Linggo ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang.