Claudine naospital uli, alagang-alaga ni Gretchen

ALAGANG-ALAGA ni Gretchen Barretto ang bunsong kapatid na si Claudine Barretto na na-confine sa isang ospital.

Hindi nagdetalye si Claudine kung bakit siya naospital pero aniya, kinailangan niyang magpa-MRI o magnetic resonance imaging. Nagpasalamat ang aktres kay Gretchen dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Claudine ang kanyang mga litrato habang nasa ospital. Nagpasalamat din siya sa kanyang ate dahil talagang nag-effort ito para maalagaan siya.

Caption ng aktres sa kanyang IG post kung saan yakap pa niya ang isang stuffed toy, “Been here a few days now. My Ate Gretchen Barretto has been taking care of me. Since she couldn’t accompany me today she bought me this, so when it’s time for her to go home I can hug this so I won’t miss her too much & won’t be scared.
“Also my pillow now never leaves my side. I started my MRI at 2 pm & lasted for more than 3 hours.Thank you & I Luv u. See you tomorrow.”

Sa isa pa niyang post kung saan ipinakita pa niya ang mga pagkaing ibinigay ni Greta, “Thank u for the food @gretchenbarretto m a spoiled little sister especially these past few days. She sent me so much food. I luv u so much.”

Maraming netizens ang natuwa sa pagbabati ng magkapatid na nagsabi pang ipagdarasal nila na sana’y magkaayos na rin si Gretchen at ang mga magulang nito.

Kung matatandaan, nagkaroon ng “word war” sa pagitan ni Gretchen at ng mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto nang dahil kay Claudine. Pero ngayong nagkaayos na ang magkapatid, umaasa ang mga tagasuporta ng mag-ate na mabubuo na uli ang kanilang pamilya.

Read more...