Yasmien gustong hiramin ang anak nina Dingdong at Marian

YASMIEN KURDI AT ZIA DANTES

Judgement day bukas para kay Yasmien Kurdi dahil pilot telecast na nga ng bago niyang Kapuso series na Hiram na Anak bago mag-Eat Bulaga.

Of course, sisiw na lang kay Yas ang gumanap bilang isang ina dahil mother na rin naman siya in real life.

But knowing her, bibigyan niya ito ng bagong atake nang sa gayon eh ma-hook ang morning vewers sa performance niya.

Sa totoo lang sa bagong series ng Kapuso actress, maraming magpapahirap sa kanya kaya asahan na ang matitinding drama at crying scenes tuwing umaga.

Samantala, natanong si Yasmien kung sino sa mga celebrity babies ang gusto niyang mahiram para makasama kahit isang araw lang.

Ang sagot ni Yas, ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia, “Ako siyempre si Zia. Very diva, tapos ang cute-cute. Yung, ‘sorry po!’ Di ba, may ganu’n siya? ‘Pasensya po!’

“Mapapansin mo sa bata na talagang maganda yung pagpapalaki sa kanya ng parents niya kasi kita mo na sa ugali ng bata,” pahayag ni Yas.

Read more...