WORKING on her 48th birthday ang Broadway star at award-winning singer na si Lea Salonga last Saturday.
Nu’ng gabi ng kanyang kaarawan ay special guest si Lea concert ng international singer na si Josh Groban na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.
Eh, ang kakaiba sa concert ng Broadway superstar naka-wheel chair siya habang nakikipagsabayan ng kanta kay Groban, huh!
Palakpakan ang mga tao sa propesyonalismong ipinamalas ni Lea dahil kahit nga hindi pa siya fully-recovered mula sa aksidenteng kinasangkutan recently ay hindi niya ibinitin ang commitment.
Nag-tweet si Lea kahapon na naka-post din sa Facebook page niya tungkol sa naging experience niya sa concert ni Josh Groban. Aniya, “I’ve spent many birthdays working which is something I truly enjoy. Last night was no exception, getting to sing with the fantastic Josh Groban, and having him sing Happy Birthday to me along with that MOA Arena.
“The best part was having my family and friends by my side and hello to the 23rd Grateful doesn’t even beging to describe how I feel. 48 is looking pretty good right now.”
Naaksidente si Lea sa skiing habang nasa Japan at nabalian ng buto sa bandang legs kaya naka-wheel chair siya ngayon.
Isa ang concert sa MOA na itinuloy niya habang ‘yung ibang schedule ay kinansela niya ayon sa payo ng doctor.