2019 Thunderbird Manila Challenge lalarga na

 

MAG-UUMPISA na ang pinakaaabangang  2019 Thunderbird Manila Challenge na kapapalooban ng mga regional qualifiers mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas at ang Thunderbird 6-Cock All Star Derby na gagawin sa Mayo 22 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mga Regional 5-Bullstag/Cock Derby ay may entry fee na P11,000 at minimum bet na P6,600. Ang magkakampeon, bilang karagdagang premyo, ay tatanggap ng P100,000 halaga ng Thunderbird products (P50,000 feeds at P50,000 vetmed) at isang TMX 125cc motorbike. May isang mountain bike naman na ibibigay para sa handler at isang dosenang tari (Ampy Tari Shop) para sa mananari.

Ang Luzon Regional Qualifiers ay magaganap sa Marso 22 sa Pangasinan  Coliseum (Region 1, Aurora, Nueva Ecija), Marso 26 sa Rizal sa Texas Cockpit Arena (GMA, Rizal, Cavite), Marso 28 sa Isabela sa Jaycee Clay Sports Arena  (Region 2 at Kalinga), Marso 29 sa Laguna sa Fantastic Coliseum (Laguna, Quezon, Batangas), Abril 5  sa Pampanga sa Bacolor Cockpit Arena (Pampanga, Bataan, Zambales, Bulacan) at Abril 6 sa Bicol sa GPB Mayon, Tabaco City (Bicol Region).

Ang Visayas Regional Qualifiers ay mangyayari sa Marso 29 sa Cebu sa New Gallera de Mandaue (Cebu, Negros Oriental, Bohol), Abril 6  sa Leyte sa Leyte Reacreational & Amusement Center, Palo, Leyte (Leyte at Samar) at Abril 10 sa Panay sa Iloilo Coliseum (Panay at Negros)

Ang Mindanao Regional Qualifiers ay nakalinya sa Marso 30 sa Davao sa New Gallera de Matina (Davao), Abril 13 sa Dapitan sa Gallera de Dapitan (Caraga at Western Mindanao), Mayo 3 sa Cagayan de Oro sa Igpit Cockpit Arena (Cagayan de Oro).

Ang Thunderbird Manila Challenge National Championship 6-Cock All-Star Invitational Deby naman ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22 tampok ang matinding labanan sa pagitan ng  mga Thunderbird national endorsers at regional champions. Lalahok din si Engr. Taguibao ng Cagayan upang ipagtanggol ang kanyang korona.

Ang national champion ay mag-uuwi ng isang brand new Toyota Hilux Type G. Ang kanyang handler ay tatanggap ng isang TMX 125cc motorcycle samantalang ang mananari ay mabibigyan ng isang dosenang tari mula sa  Ampy Tari shop.

Ang pasabong na ito ay handog ng Thunderbird, ang number one gamefowl feeds and vetmed company.

Read more...