2 patay sa aksidente sa Pangasinan at La Union

DALAWA ang patay matapos ang magkahiwalay na aksidente sa Pangasinan at La Union, Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya.

Nasawi si Renier Camacho, 25, matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa isang poste ng telepono sa kahabaan ng San Carlos-Urbiztondo sa Barangay Agdao, San Carlos City, Pangasinan ganap na alas-11:15 ng gabi.

Idinagdag ng pulisya na nawalan ng kontrol ang kanyang sinasakyang motorsiklo habang nagmamaneobra sa isang pakurbang lugar sa kahahabaan ng kalsada.

Dinala ang biktima sa isang San Carlos Cit, bagamat idineklarang dead on arrival.

Sa La Union, nasawi si Denver Selga, 27, matapos banggain ang kanyang motorsiklo ng isang cargo van habang binabagtas sa Aspiras Highway sa Barangay Cares, bayan ng Pugo ganap na alas-10:20 ng gabi.

Idinagdag ng pulisya na tumilapon si Selga mula sa kanyang motorsiklo.
Nasawi si Selga habang dinadala sa isang ospital sa Agoo.

Read more...