4 tulak timbog; P6.8M shabu nakumpiska sa buy-bust sa Taguig

ARESTADO ang apat na tulak matapos mahulihan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City, Miyerkules ng gaib.

Kinilala ang mga naaresto na sina Abel Dagadas, Usay Uting, Larrylyn Azada, at Jacqueline Dapitan, matapos silang mahulihan ng isang kilo ng shabu sa Central Signal Village.

Nakumpiska rin ng mga pulis ang isang weighing scale, cellphones, P1,000 marked money, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang elemento ng Taguig City Police Station at Cubao Police Station.

Dinala ang mga suspek sa Cubao Police Station habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso.

Read more...