WE are an amateur league.
Iyan ang sinabi ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes matapos tanungin kung ano talaga ang tunay na estado ng sumisikita ng basketball league.
“We are a sanctuary league. We give chance to basketball players to fulfill their dreams. We give second chance to ex-pros and collegiate players who failed to make it in the pro league,” sabi ni Duremdes.
Si Duremdes, na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstar, ay isa sa naging bisita sa ginanap na Usapang Sports na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes ng umaga sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
“I have to clarify one thing. MPBL players do not get salaries. They receive allowances from their respective team,” dagdag pa ni Duremdes.
“And we welcome everybody. Ex-PBA players, collegiate players, even out of school youth ay puwede maglaro sa MPBL. It’s a stepping stone for them to make it to the PBA.”
Tinanong ito kay Duremdes ng isang miyembro ng TOPS matapos na banggitin ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra na ang MPBL ay isang professional league at ang mga laro nito ay dapat na nasa pamamalakad ng GAB katulad ng PBA.
Sinabi rin ni Mitra na ang mga manlalaro ng MPBL ay kailangang maprotektahan mula sa mga kadudadudang kontrata at kailangan din nilang dumaan sa drug testing bago makakuha ng pro license.
“Although maganda nga kung mapasailalim kami sa GAB, ang fear ko naman ay mawawala ang vision ng MPBL na suportahan ang mga amateur players,” sabi pa ni Duremdes.
“Paano na ang status ng mga collegiate players na naglalaro sa MPBL? Kung magiging pro na sila baka di na sila makalaro para sa school nila.”
Sinabi rin ni Duremdes na ang MPBL ay nakipagkita na sa GAB at inaayos na ng kanilang legal team ang nasabing isyu.
Inanunsyo rin ni Duremdes sa sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC) na ang kauna-unahang MPBL All-Star event ay gaganapin sa Marso 2 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
“We will have the Executive Match, the Three-Point Shootout, the Slam Dunk contest, the 2-Ball competition and of course the main event, the North versus South All-Star Game,” sabi ni Duremdes.
Sinabi pa ni Duremdes na ang pinal na listahan ng mga kalahok sa All-Star festivities ay ilalabas sa Linggo, Pebrero 24.
Magsisilbing coach ng North All-Star si Jojo Lastimosa ng Bataan Risers-Zetapro habang ang South team ay hahawakan ni Don Dulay ng Davao Occidental Tigers-Cocolife.
Ang magwawaging koponan ay mag-uuwi ng P500,000 habang ang mananalong coach ay tatanggap ng P50,000.
Ang lahat ng 26 MPBL team ay irerepresenta sa All-Star Game.
Ang mga magwawagi sa mga side events ay tatanggap ng P50,000.
Inimbitahan din ng MPBL sina “Aerial Voyager” Vergel Meneses, Nelson “The Bull” Asaytono at “Mr. Excitement” Paul Alvarez para maging judge sa Slam Dunk contest.
Bilang bonus para sa MPBL fans, isang bagong pick-up at 26 motorsiklo ang ipapa-raffle sa mga All-Star Game ticket holder sa Marso 2.