P25M shabu nakumpiska sa 2 babae sa Bulacan

AABOT sa P25 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang babae matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Baliwag, Bulacan, ngayong araw.

Sinabi ni Senior Supt. Chito Bersaluna, director ng Bulacan police na naaresto sina Cristina Joan Webb Trinidad, 39, ng bayan ng San Rafael at Ruth Francisco, 34, ng bayan ng Marilao, sa loob ng kanilang inuupahang apartment.

Ni-raid ng mga pulis ang bahay ng mga suspek ganap na alas-3:50 ng umaga at narekober ang 3.7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P25,744,800.

Nakumpiska rin mula sa mga naaresto ang mga cellphones, isang weighing scale, drug paraphernalia, at marked money.

Idinagdag ni Bersaluna na may nagsumbong sa pulisya kaugnay ng iligal na aktibidas ng dalawang suspek.

Hindi kabilang ang dalawa sa drugs watch list ng pulisya at posibleng mga bagong high-profile players sa drug trafficking, ayon pa kay Bersaluna. 

Read more...