Hamon kay Arjo Atayde kung totoong may death threats: Magsumbong ka na sa NBI!

ARJO ATAYDE

SOBRA namang makapag-react si Arjo Atayde sa mga basher niya.

Umabot na raw sa point na may natatanggap siyang death threats at iba pang klase ng pagbabanta, huh!

Well, he should suffer the consequences dahil isang malaki at malawak na fandom ang binulabog niya, walang iba siyempre kundi ang AlDub Nation.

Sabi nga ng mga netizen, nandiyan naman ang National Bureau of Investigation, kung feeling niya ay may banta talaga sa buhay niya pwede siyang mag-report.

Pero parang wala naman siyang ginagawang aksyon kungdi kumuda nang kumuda.

Learn to be discreet kung may relasyon na nga sila ni Maine Mendoza. Phenomenal Star ang babaeng ginusto niya kaya dapat handa na siyang batuhin ng hate messages ng mga AlDub fans. Isa lang ang masasabi namin kay Arjo – magdusa siya!

Read more...