Bianca pangarap maging sirena; kinarir ang pagsisid sa Sahaya

BIANCA UMALI

PANGARAP din pala ni Bianca Umali na gumanap bilang isang sirena sa teleserye o pelikula.

Eh, sa upcoming Kapuso series na Sahaya, may eksena siyang lumalangoy sa ilalim ng dagat pero hindi sirena ang character niya.

Rason ni Bianca, “It’s really exciting for me because I love the water. I think that’s why parang meron akong connection sa Sahaya’s character.”

Bale lalabas na title role siya sa GMA series. Kung 200 percent ang ibinigay niya sa mga nakaraang roles na nagawa niya, this time, doble o triple pa ang gagawin niyang dedication para sa Sahaya.

Mas doble ang excitement sa Sahaya kung magpapasilip ng alindog si Bianca dahil isa siya sa Kapuso leading ladies na kumpletos rekados ang kaseksihan!

“I’m super excited and nervous at the same time. Sahaya also is my most challenging role. I mean, all my roles have been really challenging also, but Sahaya is different kasi isa po siya sa mga pangarap ko,” pahayag ni Bianca.

Read more...