BUMUHOS ang papuri ng mga manonood at netizens para sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor matapos ang madadramang eksena niya sa Onanay.
Sa nakaraang episode ng nasabing GMA Telebabad series, muling pinatunayan ni Ate Guy ang kanyang dekalibreng galing sa pag-arte. Ayon sa mga netizens, wala pa rin talagang kakupas-kupas ang akting ng Superstar.
Pinalakpakan at hinangaan ng mga manonood ang makabagbag-damdaming eksena ng award-winning veteran actress bilang si Nelia matapos malaman ang pagkamatay ng kanyang kapatid sa serye na si Dante (Gardo Versoza).
Ayon sa ilang netizens, naalala raw nila sa nasabing eksena ang iconic scene ng Superstar sa 1976 classic film na “Minsa’y Isang Gamu-Gamo,” kung saan sumikat ang mga linyang, “My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko’y tao, hindi baboy-damo.”
Komento ng isang sumusubaybay sa Onanay, may bagong akting na ipinakita si Ate Guy sa nasabing episode, lalo na nang bumulaga sa kanya ang bangkay ni Dante.
Sey ni @akosimonch1989, “This only proves that La Aunor is really a legendary actress! She deserves the best actress award again! Kudos to @gmanetwork for casting such great artists altogether to bring this show so much success!”
“One of TVs finest scene is happening now… Galing mo talaga Ms. Nora Aunor! Slow clap!” sey ni @edgolbin.
Papuri ni @francesalexa, “And that’s why, ladies and gentlemen, Ms. Nora Aunor is our superstar. A type of acting you cannot find and learn in any book.”
Samantala, sa pagpapatuloy ng Onanay, paano haharapin ni Nelia ang pagkawala ni Dante? At paano niya matutulungan ang anak na si Onay at apong si Natalie sa pagsagip kay Maila (Mikee Quintos)?
At siyempre, sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating series ng GMA tutukan kung ano ang magiging katapusan ng kasamaan ni Helena (Cherie Gil). Patuloy na panoorin ang Onanay sa GMA Telebabad after Kara Mia sa direksyon ni Gina Alajar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.